Makabuluhan Ba ang Internet Sa Iyo o Pampalipas Oras Lang

January 14, 2014

Maaari mong pagkakitaan ang internet sa malinis na pamamaraan. Minsan ay nauubos ang oras natin sa internet surfing o facebook. Mga bagay na internet games at maaari kang maadik dito. Ang internet ay makakatulong sa atin kung gagamitin natin ito sa paraang kikita tayo. Hindi naman mahirap ang scheme dahil nasa bahat ka lang o nasa internet cafe. Narito ang isa sa nakatulong sa akin upang kumita sa pag- internet. Ipinakikilala ko ang SWA – Supreme Wealth Alliance, na nagbigay sa akin ng opportunity upang kumita. Panoorin mo ito, courtesy of http://www.youtube.com:

Introduction to SWA: Supreme Wealth Alliance

Main Content of Business Opportunity:  Go To Link

If you are convince open this link: To Join Supreme Wealth Alliance

BUKAS DARATING NA ANG PANGINOONG HESUS

December 18, 2013

1 Thessalonians 4:13 – 18

Ang mga Cristiano noong unang siglo ay ito ang kanilang bukang-bibig. Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad na siya’y magbabalik agad. Si Pablo nang maging apostol at masugid na mangangaral ni Cristo ay laging isinasama sa kanyang mga pangangaral na si Hesus ay magbabalik agad. Dumaan ang tatlongpung taon marami nang mga Cristianong nangamatay ngunit hindi pa rin bumabalik si Hesus.

Sa Tesalonica ang mga mananampalatayang nabubuhay pa ay naging praktikal. Naging katanungan nila kung ikaw ay mamatay agad hindi mo na masasaksihan ang pagbabalik ni Hesus at hindi ka na makakasama sa buhay na walang hanggan? Naging literal ang kanilang pananaw. Naniniwala silang ang kahulugan ng Magbabalik agad ni Hesus ay sa isang Linggo, o sa isang buwan o sa isang taon. Hindi nila naisip na ang “Agad?ay katumbas ng isang libong taon o humigit pa.

Ganon din ang kaisipan ng mga unang Cristiano ng ikadalawang siglo. Ang kanilang pananaw sa madaliang pagbabalik ni Hesus ay ayon sa kanilang makataong kaisipan. Ngunit ang pangakong pagbabalik ni Hesus ay ayon sa kalooban ng Ama. Ang mga kapatiran sa Tesalonica ay marami na ang nangamatay. Naalala nila na sinabi ni Pablo na magbabalik agad si Hesus. Kaya naisip nila na ang mga namatay agad ay sayang dahil hindi sila makakasama ni Hesus. Kaya nagpadala sila ng sulat kay Pablo at sinagot naman agad. Sinabi ni Pablo, ?Ayaw namin kayong maging mangmang ( Ignorant o Uninformed) tungkol sa mga namatay na ( Sa salitang Griyego ang kahulugan ay ?nangatutulog? ibig sabihin ni Pablo- ayaw namin kayong maghinagpis ( Grieve) gaya ng ibang walang pag-asa. “Sabi nila ?kung mamatay ka ay tapos na.?Ngunit binigyan diin ni Pablo na kung tayo man ay mamatay, saka tayo mabubuhay sa walang hanggan. Kaya kung ang mahal natin sa buhay ay mamatay maniwala tayong magkikitang muli. “Kung sa buhay lamang na ito tayo nagsisiasa kay Cristo, ay tayo sa lahat ng mga tao ang lalong kahabag-habag. Datapwat si Cristo nga’y muling binuhay sa mga patay na siya ay naging pangunahing bunga ng nangatutulog. Ngayo’y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo’y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong pinananatilihan. Sa pamamagitan naman nito’y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral(1 Cor. 15:19-20, 1-3)

Para kay apostol pablo ang katotohanan ng pagkabuhay ni Hesus at ang buhay na walang hanggan ang Sentro ng mabuting balita. Ano ang kahulugan nito sa iyo at sa akin? Nakikita na ba natin na tayo ay kay Cristo? Nabubuhay ba tayo sa pananalig na sa isang saglit si Hesus ay muling darating? Mamaya lamang o maaaring bukas ay nariyan na! Handa ka na bang humarap sa kanya?

Makaraan ang maraming siglo ang mga Cristianong skolar ay nagsimulang pagtalunan ang pagkabuhay na muli ni Hesus, katulad din ng mga Tesalonica na ang pagkabuhay ni Hesus ay para lamang sa ikabubuti ng mga buhay. Gayon din sa mga Taga Corinto. Pinag-uusapan din sa kasayasayan ng Iglesya. Maraming tumuligsa at nagsabing ang pagkabuhay ni Hesus ay isang metolohiya o alamat o binuong kwento ng mga alagad para papaniwalain ang mga tao na si Hesus ay nabuhay muli. At ang kahibangang ito ng mga alagad ay nagpasalin-salin at nakapaghikayat ng maraming mananampalataya.

Kung papaniwalaan natin ang mga pananaw na ito ay malaking kasiraan sa ating pananalig kay Cristo. Ano ang kalagayan ng mga disipulo ng mamatay si Hesus? Nagtago sila at takot ang sumakanila dahil ganon din ang maaaring mangyari sa kanila. At ng muling mabuhay si Hesus ang mga alagad na ito ay naging matapang sa pangangaral,buhay man nila ang kapalit. Naglakbay sila sa ibat-ibang dako na ipinangangaral ang buhay na Cristo. Ang mga Cristianong ito ay ibinigay ang buhay sa paglilingkod sa Diyos. Bawat araw ay nananalig silang darating na ang Panginoong Hesus. Ano ang pakiramdam ng isang Cristiano na naniniwalang bawat araw ay umaasang si Hesus darating na. Seguro ang Cristianong ito ay masipag sa kabanalan at paglalahad ng Ebanghelyo, masipag sa pagbibisita sa mga mananampalataya upang maghatid ng paalala , palakasin ang mga kapwa mananampalataya at hindi ng tsismis ang inaatupag. Ang Cristianong matiyagang manira ng kapuwa Cristiano o linggkod ng Diyos ay malayong makasama sa muling pagbabalik ni Hesus o wala siyang interes sa biglaang pagdating ng Panginoon.

Sa Tesalonica, nangaral si Pablo at malugod na tinanggap ng pangangaral lalo na ang pagbabalik ni Hesus. Malugod nilang ipinamamalita ito sa kanilang mga kapitbahay dahil pinaniwalaan nila. Ang iba naman ay medyo sumobra at naghihintay na lamang, ayaw ng magtrabaho. Ang iba ay ipinagbili ang ariarian at namundok na lang. Kaya sumulat si pablo sa Tesalonica para ayusin ang maling pananaw.

“Sapagkat ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw may tinig ng pakakak ng Diyos: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na mag-uli; kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa alapaap, upang salubungin ang panginoon sa hangin; at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakaylan man.?1 Tesalonica 4: 16 ?17

Ang “rapture?ay hindi salita ng biblia ngunit ito ay nagsasaad ng biglaang pagparito ng Panginoon. Ito’y isang misteryo o hiwaga. ?Narito sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi tayong lahat ay mangatutulog, ngunit tayong lahat ay babaguhin. Sa isang sandali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng trumpeta: sapagkat tutunog ang pakakak at ang mga patay ay mangabubuhay na mag-uli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin.?( 1 Corinto 15:51-52 ) Tayong lahat ay magsasama-sama sa himpapawid. Kaya ang mga namatay sa pananalig kay Cristo ay mauuna sa mga buhay na mananampalataya.

Maliwanag na sinabi ni pablo na ang mga namatay kay Cristo ay nangatutulog lang. Ito ay nangangahulugang ng tagal ng panahon ng kawalay malay at matatapos lamang kapag dumating na ang Panginoon. Ang mga namatay ay nasa piling ng Panginoon at sila’y inaaliw doon. Ang puntong ito ay si Hesus ay muling babalik para kunin ang mga sa kanya buhay man o patay. Sa panahong ito ay makakasama tayo sa kaharian ng Diyos.

Sinabi ni Hesus, “Huwag mangagulumihanan ang inyong puso: masisampalataya kayo sa Diyos, magsisampalataya naman kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagkat ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumuon. ?(Juan 14:1-3) Bawat araw ay pag-asa. Kung may pagsubok ka man ngayon ay hindi ito balakid sa ating pananalig bagkus isang hamon upang maging matibay ang ating pananalig kay Hesus. Si Hesus ay darating ng hindi natin namamalayan. At ang tanging magandang paghahanda sa kanyang pagdating ay ang kasabikan natin na si Hesus ay darating na bukas. Bakit? Dahil para lagi nating ituon ang ating paningin lamang sa kanya at hindi sa ating paligid.

Ano ang nais mong gawin kung si Hesus ay biglang dumating? Ano ang gusto mong kalagayan kung biglang dumating si Hesus? Marahil ay sasabihin mo, ?sana Pastor Vic datna ako ng Panginoon na nasa kanyang gawain, ?o ?Gusto ko datnan ako ng Panginoon na nangangaral, o nagbabasa ng Kanyang Salita o nagbabahagi sa isang kapitbahay.?Maraming magagandang paglalarawan ng iyong buhay ngunit ito kaya ang iyong kalagayan kung biglang dumating si Hesus? Ano kaya kung datnan kang namamalengke, o may hawak na bote ng alak o may nakaipit na segarilyo o may kayakap na iba? Makakasama ka kaya? O nasa trabaho ka at matiyagang gumagawa o nag-aaral ka ng iyong takdang aralin. Hindi tayo nakasisiguro ng ating kalagayan. Anoman ang nais mong kalagayan kapag dumating si Hesus ay depende sa sinasabi ng Salita ng Diyos.

“At anomang inyong ginagawa, sa salita, o sa gawa, gawin ninyong lahat saPangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat kayo sa Diyos sa pamamagitan Niya.?(Col. 3:17) Hindi mahalaga kung anong kalagayan natin kapag dumating na si Jesus. Ang mahalaga ay kung handa ka na bang humarap sa kanya?

MINISTERYO NG TUWA

December 18, 2013

2 Timothy 1: 16 – 18

Pagkalooban nawa ng panginoon ng habag ang sangbahayan ni Onesiforo: sapagkat madalas niya akong pinagiginhawa, at hindi ikinahiya ang aking tanikala. Kundi nang siya’y nasa Roma, ay hinanap niya ako ng buong sikap, at ako ay nasumpungan niya. Pagkalooban nawa siya ng Panginoon na masumpungan niya ang kahabagan ng panginoon sa araw na yaon; at totoong alam mo kung gaano karaming mga bagay ang ipinaglingkod niya sa Efeso.

Nang mga huling araw sa buhay ni apostol Pablo siya ay nakakadena sa loob ng kulungan sa Roma. Hinihintay niya ang huling pakikipagkita kay Ceasar at ang kanyang hatol. Kahit sa ganitong kalagayan si Pablo ay nanatiling matatag sa pananalig. Ngunit bilang tao, kagaya mo at kagaya ko, nararamdaman ni Pablo ang mga hirap sa kanyang kalooban. Si Pablo ay nakaranas na ng “House arrest?at maaari siyang makipag-usap sa kanyang mga kaibigan. Ngunit sa kalagayan niya sa Roma siya ay nasa Well(Dungeon) Nangangahulugan siya ay nasa malalim na balon na kahit hayop ay aangal sa hirap.

Sa 2 Tim. 4:9-18 ay napapaloob ang ilang mga malalapit na tao kay Pablo na nagbigay sa kanya ng kalungkutan at katuwaan. Damahin natin ang kalungkutan ni Pablo. Nais niyang may makaalala man lamang sa kaniya. Maraming mga tinuruan niya ang nakalimutan na siya dahil sa kahihiyan ng kanyang kalagayan. May mga nagtatuwa sa kanya. Marahil ay sinasabi ng ilan, “tingnan mo ang nangyari sa Pastor mo? Kapag kasama si Pablo ay parang maamong kordero ngunit kapag wala si Pablo ay hindi kinikilalang Apostol niya. Ngunit sa panahon ng madidilim na araw, kawalan ng kahusayan ( discomfort ) kabiguan at kalituhan, ang Panginoon ay nagpadala ng magbibigay ng kasiyahan kay pablo.hindi natin siya kilalang mabuti, siya ay si Onesiforo. Ang kahulugan ng kanyang pangalan ay “profit-bringer?o sa mababaw na salin ay “tagadala ng pagpapala.?At sa buhay ni Pablo si Onesiforo ay naghahatid ng kagalakan na sa gitna ng hapis at kalungkutan ay nagpapatibay sa lingkod ng Diyos. ( 2 Timothy 1:16 ?18)

Ipinakikilala ni Pablo si Onesiforo na isa sa nagbibigay sa kanya ng kalakasan. Si Onesiforo ay nasa ministeryo ng tuwa. Ito ay napakahalaga sa loob ng Iglesya. Ang ministeryong ito ay nagpapalakas, nagpapatibay, nagbibigay sigla sa mananampalataya. Isipin na lang natin, sa tuwing magtitipon ang mga mananampalataya, at masikip ang lugar,mainit at maraming pinagpapawisan. Ikaw ay tumayo at binuksan ang bintanang mahirap buksan, o umuwi ka sandali at kinuha mo ang inyong electric fan o pinahiram mo ng pamaypay ang nahihirapan, tandaan mo isa ka sa kasapi ng ministeryo ng tuwa. Nais mong maginhawahan ang lahat kahit na ikaw ay hindi komportable sa iyong nararamdaman. Makita mo lang ang iba na nasisiyahan ay masaya ka na rin. Nadarama mo ba ito?

Ang gawain ni Onesiforo ay upang mapagtibay ang mga napipighati dahil sa problema, at hindi ang siraan ang lingkod ng Diyos para siya ang makilala. Ang kalagayan ko sa Korea ay hindi biro. Hindi ako nagtungo dito para magpasarap at pagpayaman dahil hindi trabaho ang ipinunta ko dito. Ako ay umaasa lamang sa Biyaya ng Diyos. Ako ay isang missionerong nag-aaral sa Kwangshin University. Ang malayo sa mga anak ay isang sakripisyo at lalong higit sa lahat ang malayo sa pamilya ng Diyos sa Greenland na itinuring kong pamilya ay pawang kalungkutan. Narito ako sa Korea upang tuklasin ang mga nangyayari sa Korean Church at pag-aralan ang kasaysayan ng Iglesya. Bawat araw ay maraming luha ang aking inuubos sa pag-aalala sa aking mga naiwanan. Ang pagnmamahal ng Panginoon Hesus sa Iglesya na ibinuhos sa aking puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo ay siyang nag-uudyok na madama ko ang wagas na pagmamahal sa Iglesyang aking pinaglingkuran. Naniniwala ako na ang puspos sa Espiritu ay mauunwaan kung ano ang aking ibig sabihin. I have felt like a father to them. Kung ito rin ang nadarama ng aking mga naturuan at kinikilala nila akong ama sa pananampalataya naniniwala akong walang pwedeng pumalit sa akin sa kanilang puso. Maaari bang palitan ang iyong tatay ng bagong tatay dahil sa hindi na karapat-dapat? Ganon din sa Diyos, kapag tunay tayong nagkaroon ng kaugnayan sa Diyos, hindi ka pababayaan ng Diyos. Kapag tatay mo ang Diyos kailan man ay ipagtatanggol ka ng Diyos.

Tulad ko, nangangailangan ako ng magpapalakas sa aking pananampalataya. Katulad ni Pablo, apostol ni Cristo ay nagagalak kapag may nakaaalala sa kanya at hindi nahihiya sa kanyang kalagayan. Bilang nasa ministeryo ng tuwa, si Onesiforo ay nagdadala ng kagalingan sa mga nabibigatan at nagugulumihanang mga lingkod ng Diyos. Ano ang nag-uudyok kay Onesiforo sa ministeryo ng Tuwa?

1. Mayroon siyang wagas na pagmamalasakit ( 1:16b, 18b )

Mayroon siyang tunay ng pagmamalasakit sa mga kapatiran. Marami siyang pinalakas. Masarap pakinggan kapag may nagsabi sa iyo ng, “kung may maitutulong ako tawagan mo lang ako.?Ngunit ang taong may tunay na pangangailangan ay hindi nagsasalita. May mga lingkod ng Diyos na sinasamantala ang kabutihan ng miyembro para sa kanyang pansariling kapakanan. Ngunit ang tunay na naglilingkod sa Diyos kahit may problema o nasa kapighatian ay kalakasan pa rin mula sa Salita ng Diyos ang lumalabas sa kanyang bibig. Si Onesiforo, kahit hindi ka magsalita ay nadarama niya ang pangangailangan ni Pablo.

2. Hindi Niya alintana ang sasabihin ng tao. 1:16c

Sa gitna ng nakakahiyang kalagayan ni Pablo, hindi inalintana ang sasabihin ng iba basta nadarama niyang kailangan siya ng lingkod ng Diyos. Sinabi ni Pablo na si Onesiforo ay hindi nahiya sa kanyang kalagayan. Ang panahon ni Pablo ay pinahahalagahan ang karangalan. Kaya kahit sa loob ng Iglesya ay may mga miembrong madaling mahiya kapag ang kanilang lider ay nalagay sa alanganin. Hindi lahat ay natuwa sa pagkakakulong ni Pablo at bilang namumuno sa Iglesya ay kahiya-hiya.

Katulad din ito ngayon na kapag nalagay sa kahihiyan ang lingkod ng Diyos ( hindi dahil sa siya ang gumawa ng kahihiyan ) kundi naging biktima ng mga pangyayari dahil sa siya ay Pastor mabilis na itinakwil ng Iglesya. Ngunit salamat sa mga Onesiforo sa loob ng Iglesya na hindi agad ikinahihiya ang lingkod ng Diyos bagkus pinalalakas at pinatitibay ang pananalig upang kapag makabangon ay gamitin ng Diyos sa mas mataas na antas ng paglilingkod.

Bakit ako nakatayo at matibay na naglilinkod kay Cristo? Nagsisikap na kahit narito sa Korea ay pinagsisikapan kong makapagmensahe. Naalala ko si John Crysostom ng ipadala sa malayong lugar para ilayo sa kanyang Iglesyang pinaglilingkuran ay matiyagang nagpapadala ng liham sa Iglesya para magbigay ng kalakasan. Ang panahon niya ay kaiba sa panahon natin ngayon. Ngayon kahit nasa ibang bansa ka ay parang kapitbahay na lang dahil sa Internet. Kaya naisip kong gumawa ng mensahe at ilagay sa Website para sa aking mga naiwang miyembro. Bakit ako nakatayo at matibay na naninindigan kay Cristo, at nagsisikap upang maging epektibong lingkod ng Diyos sa ating Bansa? Dahil sa mga Onesiforo sa Greenland Christian Church at sa ibang pang iglesya na nakakailala sa akin at nadarama ang aking pangangailangan, kahit hindi ako nagsasalita ay sapat na upang maunawaan nila ang aking nadarama.

3. Buo ang loob na gawin ang kanyang tungkulin 1:17

Alam niya na sa kanyang gagawin ay hindi lang si Pablo ang lumalakas kundi ang buong Iglesya. Kahit saan lugar si Paul ang naroon ang determinasyon ni Onesiforo na maipaabot ang kanyang pagmamalasakit. Habang ako ay nasa Korea, alam ng Diyos na kailangan ko ng kaaliwan, at hindi sapat ang Iglesyang kumupkop sa akin kundi ang pamilyang hinubog ng Diyos sa pamamagitan ko. I love Greenland Christian Church dahil dito ako ay minulat ng Diyos bilang isang lingkod. Sa siyam na taong pangangaral ko ni isa ay walang naglakas ng loob na mag-abot ng isang basong tubig sa pulpito. Mabuti pa ang mga iniimbita ko ay may nagdadala ng tubig dahil ipinaaalala ng kanilang kasamang miyembro. Minsan naitanong ko sa aking sarili, ?kinikilala kaya akong lingkod ng Diyos sa Iglesyang ito o isa lamang ako sa kabiruan nila? Sa biyaya ng Diyos ay aking naunawaan na ang tunay na naglilingkod sa Panginoon ay nagpapatuloy sa paglilingkod kahit walang nakaaalala. Ang paglilingkod sa Panginoon ay mahirap at masarap na karanansan. Mahirap dahil sa “Shock absorber?ka ng lahat ng problema. Masarap dahil mapapatunayan mong tapat ang Diyos na iyong pinaglilingkuran. Sa bandang huli ay nagpapadala siya ng mga Onesiforo na magbibigay ng kalakasan upang ikaw ay makapagpatuloy sa paglilingkod.

At ang maliit na kabutihan na minsan ay hindi natin pansin, ay napakalaking bagay sa taong nagawan nito. Ang nais kong ipakahulugan ay ikaw at ako ay kailangan maging miyembro ng ministeryo ng Tuwa. Mayroon ka bang alam na taong nangangailangn ng iyong tulong? Mga taong pagod sa kanilang karamdaman, malungkot ng kalagayan, nasa kabiguan, hindi alam ang bukas. Naniniwala akong inaabot ng Diyos ang mga ito sa pamamagitan ng himala ngunit sa pamamagitan din ng mga Onsiforo na kanyang tinawag. Maaaring Ikaw!

Ang Madilim Na Bahagi Ng Pasko

December 13, 2011

“Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, na si Cristo Jesus ay naparito sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito.” (1 Tim. 1:15)

May awiting “I’m Dreaming of a White Christmas”. Ito marahil ang inaasam-asam ng maraming tao sa ngayon, kapag nalalapit na ang kapaskuhan. Ngunit mayroon ding awiting, “I Have a Blue Christmas Without You” at mukhang malungkot ang nilalaman ng awiting ito na mayroong kulang sa kanyang pasko.

Maraming tao sa ngayon ang nasa isip lang ay kagandahan ng pasko, mga palamuti sa pasko, pagkain, parol, Christmas lights, Christmas tree, etc., at kapag kulang ang mga ito ay parang malungkot ang pasko, at ito ang nagpapatunay ng kasalatan sa buhay. Ang pasko ngayon ay nakabatay sa financial na pagpapala, kapag wala kang pera malungkot ang pasko.

Nais kong baligtarin ang mga pangyayari. Nais kong dalhin ang madilim na bahagi ng kapaskuhan upang matimbang natin ng maayos kung ano ang kahulugan ng pasko sa ating buhay. Ang madilim na bahagi ng pasko ay tumutukoy sa mga unang pangyayari ng pasko. Pinadilim pa ng kasamaan ni Haring Herodes, ninasa niyang matuklasan kung saan ipinanganak ang Hari ng mga Judyo, ngunit iba ang kanyang iniisip, upang patayin ang bata.

Isinilang si Jesus sa isang mabahong sabsaban, walang magpatuloy sa kanya. Ang mga tao sa Bethelem ay abala sa iba’t-ibang pagkakakitaan dahil maraming balik-bayan. Ang mga bahay-tuluyan ay walang lugar para sa mag-asawang Jose at Maria. Kaya sa sabsaban sila napunta. Dito nagsimula mga pangyayari sa madilim at malamig na gabi, sa isang maruming lugar sa sabsaban ay isinilang ang isang lalake, ang Pangalan niya ay Jesus, ang Tagapagligtas ng kanyang bayan.

Bakit ipinahintulot ng Diyos na isilang si Jesus sa isang marumi at mabahong lugar? Ano ang kahulugan nito sa ating buhay? Bakit ngayon parang napakalayo na ng tunay na kahulugan at layunin ng kapanganakan ni Jesus?

“At siya’y manganganak ng isang lalake, at ang pangalang itatawag mo sa kanya’y Jesus; sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.” (Mat. 1:21)

“At nalalaman ninyo na siya’y nahayag upang magalis ng mga kasalanan, at sa kaniya;y walang kasalanan.” (1 John 3:5)

“At nakita natin at sinaksihan na sinugo ng Ama ang Anak upang maging tagapagligtas ng sanglibutan.” (1 John 4:14)

Ang layunin ng pagparito ni Jesus ay upang tayo ay maligtas sa kasalanan.

I. ANG MADILIM NA BAHAGI NG PASKO AY KASALANAN.

Ang puso ng pasko ay si Cristo, na siya ay naparito sa sanlibutan upang iligtas ang tao sa kasalanan. Ang tunay na kagandahan ng pasko ay ang malaman ang madilim na bahagi nito upang maunawaan natin ang mga kagamutan sa lahat n gating kalagayan, bilang makasalanan. Upang gumaling tao sa lahat n gating mga karamdaman na dulot ng kasalanan.

Dahil sa kasalanan, mayroong takot at pangamba, hapdi at kalungkutan, mga paglalaban at giyera sa mundo, kawalan ng kapahingahan, pagkakabaha-bahagi, pag-aalitan, kabalisahan at sakit, mga karamdaman, kamatayan at tag-gutom, mga iba’t ibang kalamidad at unti-unting pagkasira ng kalikasan.

“Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan…” (Rom. 6:23)

Ang kasalanan ay sinyang madilim na bahagi ng pasko. Si Cristo ay naparito upang ialay ang buhay upang tayo ay makalaya sa pagkabilanggo sa kasalanan at sa Diablo.

ANO ANG KASALANAN?

Una, Ang kasalanan ay pagdurog sa puso ng Diyos. Kapag tayo ay nagkakasala dinudurog natin ang puso ng Diyos. Araw-araw ang tao ay patuloy na nagkakasala, ibig sabihin patuloy nating dinudurog ang puso ng Diyos.

Pangalawa, sinasaktan natin ang tapat na nagmamahal sa atin. Ang Diyos lamang ang tapat at wagas kung umibig. Mahal niya ang mga makasalanan. Habang tayo ay patuloy na nagkakasala ay sinasaktan natin ang Diyos na nagmamahal sa atin. Ang pinakamapait na hapdi na nararanasan ng isang tao ay kung nagkasala ang kanyang minamahal, at siya ang aako ng kasalanang hindi naman niya ginawa. Si Jesus ay nagsakripisyo, naghirap, nagdanas ng lahat ng sakit at panunuya ng mga taong makasalanan. Siya ang umako ng lahat n gating mga kasalanan, at inialay ang kanyang buhay upang kung maunawaan natin ang dakilang pag-ibig ng Diyos, ang kanyang kahabagan ay magdulot ito ng tunay na pagsisisi at pagbabalik-loob sa Diyos.

Pangatlo, ang kasalanan at pagsuway sa kautusan ng Diyos. “Ang sinomang gumagawa  ng kasalanan ay sumasalangsang din naman sa kautusan at ang kasalanan ay ang pagsalangsang sa kautusan.” (1 John 3:4)

ANO ANG KATULAD NG KASALANAN? O ANG KALIKASAN NITO?

Una, ang kasalanan ay pagkabulok (Defiling). Ang kasalanan ay katulad ng kalawang na sumisira sa bakal. Unti-unti ka nitong lalamunin, hanggang sa ikaw ay mapuspos ng kasamaan o karumihan (a defiling rust). Ito ay katulad ng polusyon sa ating kapaligiran. Ito ay katulad ng mantas o scars sa ating mukha, mantas sa damit na marumi. Ginagawa nitong mapula o maitim an gating mga kaluluwa, at wal tayong ibang ninanasa kungdi an gating pansariling kaligayahan at mamuhay na malayo sa Diyos.

Ito ay katulad ng isang maruming damit o kasuutan, katulad ni Josue sa Zech. 3:3, “Si Josue nga ay nabibihisan ng maruming kasuutan at nakatayo sa harap ng anghel.” Ang kasuutan ni Josue ay katulad ng kasalanan na nakasuot sa tao.

Ang kasalanan din ay itinulad sa kamandag ng ahas, na sa sandaling ikaw ay matuklaw, ang kamandag na ito ay unti-unting dadaloy sa ating ugat at tayo ay mamamatay. (Rom. 5:12)

Sinabi ni Apostol Pablo sa 2 Cor. 7:1, “Yamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na pakasakdalin ang kabanalan sa tako sa Diyos.”

Ang kasalanan din ay tinawag na suka (vomit) na lumalabas sa bibig ng tao. Ito ay mabaho, at pinandidirihan. Ang kasalanan din ay katulad ng libingan, na sa loob ay may nabubulok na bangkay.

Sa isang salita, ang kasalanan ay kabulukan. (Defiling, corruption, depravity)

Pangalawa, ang kasalanan ay Pagtuligsa sa Diyos. (Defiant).

Sa Lev. 26:27, “At kung lahat ng ito ay hindi ninyo ako pakikinggan, kungdi kayo’y sasalangsang sa akin; ay sasalangsang ako sa inyo na may kapusukan; at parurusahan ko kayo’y makapito pa dahil sa inyong mga kasalanan.”

Ang kasalanan ay sampal sa Diyos. Ito ay pagtuligsa sa mga kalooban ng Diyos sa ating buhay. Habang tinutuligsa natin ang Diyos sa pamamagitan n gating mga pamumuhay at makaaasa tayo ng hagupit ng Diyos sa ating buhay. Inilalarawan ng Diyos ditto na kapag tayo ay patuloy na nagkakasala tayo ay rebelled sa Diyos. Ang isang rebelled sa pamahalaan ay wala ng nakitang tama sa gobyerno, lahat mali, ganun din sa Diyos, kapag tayo ay rebelled, tayo ay opposition sa mga plano ng Diyos sa ating buhay.

Sa salitang Hebrew, ang kasalanan ay “Pasha”. Ito ay nangangahulugan ng rebellion. Sa Jer. 44:15- 17, “ Nang magkagayo’y lahat ng lalake na nakaalam pa na ang kanilang mga asawa ay nangagsunog ng kamangyan sa ibang mga diyos, at ang lahat na mga babae na nangakatayo, isang malaking kapulungan, sa makatuwid baga’y ang buong bayan na tumahan sa lupain ng Egipto, sa Pathros, at sumagot kay Jeremias na nagsasabi, tungkol sa salita na iyong sinalita sa amin sa pangalan ng Panginoon, hindi ka naming didinggin. Kundi aming tunay na isasagawa ang bawat salita na lumabas sa aming bibig, upang ipagsunog ng kamangyan ang reina ng langit, at ipagbuhos siya ng inuming handog, gaya n gaming ginawa, naming, at n gaming mga magulang, n gaming mga hari, at n gaming mga prinsipe sa mga bayan ng Judah, at sa mga lansangan ng Jerusalem, sapagkat noon ay nagkaroon kami ng saganang pagkain at kami ay nagsisibuti, at hindi nakakita ng kasamaan.”

Sinabi ni Jeremiah, “Oh lahi, tingnan ninyo ang salita ng Panginoon. Naging ilang baga ako sa Israel? O lupain ng salimuot na kadiliman? Bakit nga sinasabi ng aking bayan; hindi na kami paroroon pa sa iyo?” (Jer. 2:37

Pangatlo, ang kasalanan ay kawalan ng utang na loob. (Ingratitude) Ito ay pagtalikod sa Diyos, para bang walang nagawa ang Diyos sa ating buhay.

“Sapagka’t sa Kanya tayo’y nangabubuhay, at nagsisikilos, at mayroon tayong pagkatao, na gaya naman ng sinabi ng ilan sa inyong sariling mga manunula.” (Acts 17:28)

“Upang kayo’y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagkat pinasisikat niya ang kanyang araw sa masasama at sa mabubuti; at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap.” (Mat. 5:45)

Pang-apat, ang kasalanan ay kinasusuklaman ng Diyos. Mahal niya ang makasalanan,ngunit galit siya sa kasalanan.

“Sapagkat ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.” (Rom. 3:23) “ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan…” (Rom. 6:23)

ANO ANG KAHAHANTUNGAN NG MAKASALANAN?

Ang nagkakasala ay katulad ng Diablo. (John 8:44) Ang Diablo ang nagkasala at ito ay ipinasa sa tao, nang mahulog ang tao sa kasalanan dahil sa panlilinlang ng Diablo. Lahat ng tao ay nagkasala dahil sa kasalanan ng isang tao. (Rom. 5:12)

Ang resulta ng kasalanan ay kamatayan. (Eph. 2:1-3) At ang kahahantungan nito ay sa poy ng impiyerno. (Re. 20:14-15, 21:8)

PANGWAKAS NA SALITA:

BAKIT NANGYARI ANG LAHAT NG ITO? Dahil ito ang tunay na mensahe ng kapaskuhan. Ang maunawaan natin ang madilim na bahagi ng pasko hanggang sa makalaya tayo ditto at Makita natin ang liwanag ng kagandahan ng pasko. Ang liwanag ng Ebanghelyo ni Cristo.

Sinabi ni Apostol Pablo, “siya ang pinakamasama sa lahat ng makasalanan, ngunit dahil sa habag ng Diyos, sa biyaya ng Diyos ay naligtas siya sa pamamagitan ni Cristo.” (1 Tim. 1:15) Si Jesus ang regalo ng Diyos. Ang isang regalo ay tinatanggap mula sa nagkaloob nito. Ang regalo ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus. (John 3:16, 1 John 5:10-13) Tinanggap nab a natin si Jesus? O isa tayo doon sa ayaw siyang papasukin dahil wala ng lugar sa ating buhay? Ang sabsaban ay ang puso ng tao, madilim, marumi, mabaho, maraming hayop. Ngunit ng si Jesus ay isinilang sa sabsaban, nagkaroon ng bagong awit, liwanag, at pag-asa. Papasukin natin si Jesus sa ating puso at mararanasan natin ang kagandahan ng pasko.

Mga Maling Pananaw sa Pasko

December 13, 2011

“Nang ipanganak nga si Jesus sa Bethlehem ng Judea sa mga kaarawan ng Haring si Herodes, narito, ang mga pantas ng lalake ay nagsidating sa Jerusalem mula sa silanganan na nagsisipagsabi, saan naroon ang ipinanganak na hari ng mga Judio? Sapagkat aming nakita ang kanyang bituin sa silanganan, at naparito kami upang siya’y sambahin. Nang marinig ito ng Haring si Herodes, ay nagulumihanan siya, at pati ng buong Jerusalem.” (Mateo 2:1-3 ) KJV Tagalog

Ang panahon natin ngayon ay panahon ng kalituhan. Kahit ang mga mananampalataya ay nalilito kung paano at saan dapat iangkop ang kanyang pananaw lalo na kung nalalapit na ang tradisyon ng kapaskuhan.

Kahit ang tunay na kahulugan ng pasko ay natabunan ng napakaraming panananaw kung dumarating ang okasyong ito. Kahit noong isilang si Hesus ay maraming mga tao ang namali sa pagkaunawa dahil hindi sila sumampalataya.

Ang halimbawa ni Haring Herodes– v. 3

Siya ay natakot. Bakit kaya natakot si Haring Herodes ng mabalitaan niya ang pagsilang ng Hari ng mga Judio? Bakit maraming natatakot kapag papalapit na ang PASKO? Unang-unang kinakabahan yong  maraming inaanak. Pangalawa ay mga empleyado, baka mawalan ng bonus. Maraming mga kinakabahan kapag paparating na ang Pasko.

Para kay Haring Herodes ang pagsilang ni Hesus ay kaguluhan (disturbance). Maaaring mahati ang kanyang kaharian, dahil may bagong haring isinilang. Bakit nagulumihanan si Haring Herodes sa pagsilang ni Hesus?

Una, ito ay isang hamon sa kanyang posisyon, katanyagan at kayamanan. (It challenged his position, prestige and plenty or richness)

Pangalawa, ito ay maaaring maging dahilan ng pressure sa kanyang paghahari instead of peace. Maaaring mawala ang kapayapaan dahil mayroong mga umaasa sa bagong magiging hari nila. Ang dahilan ay sistema sa mundo at pride. Maaaring bumagsak siya at may isang haring papalit sa kanayng position.

Sa mga nanunungkulan sa pamahalaan, ang pagdating ng kapaskuhan ay pressure instead of peace. Bakit? Dahil maraming hihingi ng solicitation o ng regalo. Maaaring maraming tao sa kanyang mga nasasakupan ang lalong aasa sa namumuno o maaaring maraming magalit kung hindi napagbigyan ang kahilingan.

Maraming tao katulad ni Haring Herodes ang namamali ng pananaw dahil sa nakatingin sa material na bagay. Because of excessive materialism Christmas becomes poison to them. Dahil maraming umaasa sa mga regalo, bonus, raffle, at mga Christmas party na nangangailangan ng halaga para sa mga regalong bibilhin.

Maraming mga kapitbahay ang nagpapatalbugan sa mga Christmas light, halos masunog na ang bahay sa liwanag ng Christmas light, nakakaduling at nakakasilaw, ngunit ang kanilang buhay ay nasa kadiliman, nasa lusak ng kasalanan. Because of disturbance, Christmas turns to kill someone. Dahil sa pasko may mga pumapatay, may mga nagnanakaw, may mga naghoholdap ng ibang tao. Ang dahilan para may pambili ng regalo sa mahal sa buhay.

Ang mga maling pananaw ay katulad nito; dapat sa darating na pasko ang lahat ng gamit ay bago. Maraming nasanay tuwing pasko ay bagong lahat, bagong damit, bagong kagamitan sa bahay, pati asawa pinalitan, bago na rin.

Therefore, people are committing murder, cheating and stealing because of Christ. Dahil si Cristo ang mensahe ng kapaskuhan, kaya kapag nagagawa natin ang isang bagay na mali para mo na ring ginawa at ang dahilan ay si Cristo. Ibig sabihin ay hindi natin kilala ang puso ng kapaskuhan. Tayo pa rin ang nagpapatakbo ng ating buhay. Katulad ni Haring Herodes, ayaw niya na may kapalit siya sa kanyang trono. Kaya ang kanyang ginagawa ay puro panlilinlang sa kapwa. Maging ang tatlong Mago ay nais niyang linlangin, na kapag masumpungan kung saan isinilang ang bagong hari, kunyari gusto niyang sambahin, pero ang totoo ay nais niyang patayin si Hesus.

Si Haring Herodes ay tumawag pa ng Bible Study sa kanyang bahay (Mateo 2:4-6)

Tinawag niya ang mga aral sa kasulatan. Sakto namang naipahayag ng mga tagapagturo ang eksaktong lugar ng Bethlehem kung saan isinilang si Hesus. Ngunit walang intensiyong puntahan ang lugar. Maraming katulad ni Herodes, mahilig lang mag-anyaya ng Bible study sa bahay pero hindi naman dumadalo sa pagsamba.

Para sa mga Escribas, ang pagsilang ni Hesus ay religiosity lang. Alam nila ang kasulatan at naniniwala sila dito, ngunit hanggang paniniwala lang. Wala silang panahon sa katauhan ni Hesus. Maraming katulad ng mga Escribas sa ngayon, mahilig lang magsimba, making ng mensahe, magkawanggawa, pagpalain ang kanyang relihiyon, ngunit walang panahon na lumapit ng personal sa Panginoong Hesus. (Mateo 6:33)

Para sa tatlong Mago, ang pananaw nila sa pagsilang ni Hesus ay isang pagkakataon na hindi dapat palampasin. Matagal nila itong inabangan sa kanilang buhay, pinaniwalaan, pinag-aralan ng mahabang panahon at inaasahan nilang darating sa kanilang kapanahonan. Ang talang ito ay nabanggit sa lumang tipan.

Ang pasko para sa kanila ay paghahanap sa tunay na na Diyos upang sambahin, hindi po pagsa-shopping sa mall para makabili ng mamahaling pangregalo o mga kagamitan tuwing pasko. Pumunta sila sa lugar kung saan nandoon si Hesus upang magbigay galang at mag-alay ng kaloob. Ang kaloob na ito ay may kaugnayan sa Diyos. Sa ngayon maraming nagkakaloob sa Diyos na walang kaugnayan. Ano po ang ibig sabihin nito? Maraming nagkakaloob sa Diyos na walang kaakibat na pananalig.

Hindi po ito exchange gift lamang, o monita monitor o palabunutan tuwing pasko, kundi sa kanilang kaloob ay pinarangalan muna nila ang Diyos.

Para sa mga nagpapastol sa parang noong isilang si Hesus (Luke 2:10,17-18) Christmas is to give glory and praising God. Christmas is to speak the good news of salvation, not to carol and receive payments.

Para kay Simeon sa Lukas 2:25-31 Christmas is peace and joy in his heart. (v.25) Para sa maraming tao sa ngayon, Christmas means pressure, problem, burden instead of blessing.

Paaano pa natin maiiaangkop ang tamang pagdiriwang ng kapaskuhan? Kailangnan po nating alalahanin ang unang pahina ng kapaskuhan. Ipagdiwang natin ito ayon sa ating makakaya at hindi po yong mangungutang tayo sa five-six para bongga ang handaan. Ngunit kung kaya nating maghanda ng bongga dahil sa pinagpala tayo, ibahagi natin ito sa iba, ngunit huwag nating kalilimutan ang unahin natin bigyang karangalan si Hesus.  James 4:4, Rom.12:1-2

Ang Bagong Langit at Ang Bagong Lupa

December 13, 2011

“Ngunit ayon sa kanyang pangako, ay naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, na tinatahanan ng katwiran.” (KJV, Tagalog) (2 Peter 3:13)

Panimula:

Sa 2 Peter 3:7 ay tumutukoy sa sangkalangitan at lupa ngayon na iingatan para sa apoy, na itinaan para sa paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama. Sa talatang 10-12 ito ang sinasabi, “datapwat darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw, na ang sangkalangitan sa araw ng yan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawing masusunog. Yamang ang lahat ng mga bagay na ito ay mapupugnaw ng ganito, anon gang anyo ng mga pagkatao ang nararapat sa inyo sa banal na pamumuhay at pagkamaawain,na ating pinakahihintay at pinakananasa ang pagdating ng kaarawan ng Diyos, na dahil dito’y ang sangkalangitan na nagninigas ay mapupugnaw, at ang mga bagay sa langit ay matutunawsa matinding init?

Isinasaad dito ang pagwasak ng langit at lupa sa pamaamgitan ng apoy. Kailan kaya ito mangyayari? Hindi natin alam, ngunit may binabanggit kapag dumating na ang araw ng Panginoon. Ang bagong langit at ang bagong lupa ay ipinangako ng Diyos. (Isa. 65:17, 66:22, Rev. 21:1)

Sa kasaysayan ng mga hula sa Bibllia, ang mga nasulat sa mga talatang  nabanggit sa Isaiah ay pinaniwalaan na ang pangakong ito ay ang pagbabalik ng Israel mula sa Pagkabihag o Exile. Ang Isaiah 65:17 ay tumutukoy sa lupain ng Palestine at mga mahalagang pagbabago. At ito rin ay pinaniniwalaan ng ibang mangangaral ng Biblia na pagliligtas mula sa pagkabihag at pangkalahatang pagbabalik-loob ng mga Jewish People sa Panginoon.

Sa Theolohiyang pananaw, ang pangako ng Panginoon patungkol sa Bagong Langit at Bagong Lupa, ay tumutukoy sa Pangkalahatang Mananampalataya (Church) sa ngayon at mga mahalagang pagbabago at panghinaharap ng pagpapala sa ilalim ng Messiah. Ito ang pangkasalukuyang pamamahala sa ilalim ni Cristo (Isa. 65:17), matapos ang lumang sistema (Isa. 34:3-4) at ng Pamamahala ng mga Judyo (Isa. 51:6,16). Ito ay tumutukoy sa kalagayang eternal ng mga tinubos. Ang Isaiah 65:17-25 ay hindi patungkol sa millennium o isang libong taong paghahari, ngunit ito ay paglalarawan ng bagong langit at bagong lupa na darating.

Ano ang katotohanang napapaloob sa mensaheng ito? Ang Diyos ay minsan pupugnawin ang mundo sa pamamagitan ng apoy. (2 Peter 3:7-10) Sinabi ni Peter, “…ayon sa Kanyang Pangako….” Ay tumutukoy kay Isaiah upang magbigay ng dakilang pag-asa sa Israel mula sa pagkabihag sa Babylon. Gayundin din sa mga mananampalataya noong unang siglo na nahaharap sa persecution, at ganun din sa ating ngayon na nahaharap sa mga bagong hamon  ng ating pananampalataya.

Hindi lang ito pangako sa Lumang Tipan na nabanggit, kundi pangako din ito ng ating Panginoong Hesus. (Rev. 20:11) “At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kanyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas, at walang masumpungang kalalagyan niya.”

Ang pagkasalukuyang langit at lupa ay nawala. “At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa, sapagkat ang unang langit at ang unang lupa ay naparam, at ang dagat ay wala na.” (Rev. 21:10) Ang bagong langit at bagong lupa ay darating.

Ano ang kaugnayan nito sa pangkasalukuyang langit at lupa?

Una, Maraming naniniwala na ang Bagong Langit at Bagong Lupa ay nilinis at inayos. Ang Greek sa salitang ginamit ay “Kainos” (2 Peter 3:13) Ay hindi po nangangahulugnag “bago” na tumutukoy sa panahon o pinagmulan (time and origin) kundi ito po ay tumutukoy sa kalikasan o kwalipikasyon. (Nature and quality)

Sa Roman 8:19-22 ay sinasabi ang pagbabago sa pamamagitan ng pagkaparam (renewal through annihilation)

Pangallwa, May mga naniniwala na ang bagong langit at bagong lupa ay talagang bagong lalang. Kinuha nila ang salita sa Hebreo na “Bara” o create ( Isa. 65:17, 40:26, Gen. 1;1) Sinabi ni Jesus, “Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapwat ang aking mga Salita ay hindi lilipas.” (Mt. 24:35)

Hebreo 12:26-27 ito ay pag-alis ng mga bagay na pwedeng mayanig.”

2 Peter 3:10-12 “Ito ay mapupugnaw sa apoy.”  Ang mga element ay matutunaw ng matinding init. Ang mundo at lahat ng mga nagawa dito ay lahat matutupok ng apoy. ( 2 Peter 3:10) Ang dating langit at dating lupa ay tumakas na. (Rev. 20:11) at lumipas na. (Rev. 21:1)

PANGWAKAS:

Marami po ang nag-aalanganin o hindi tiyak kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Hindi po nila tiyak kung ang lumang langit at lupa ay babaguhin sa pamamagitan ng apoy (renovated by fire) upang ihanda sa walang-hanggang tirahan.

Ang iba naman ay pupugnawin ng apoy (annihilated by fire) upang palitan ng mga bagong bagay para sa walang hanggang tirahan ng matuwid.

Ngunit ang tiyak lamang na mangyayari ay magkakaroon ng isang bagong langit at bagong lupa dahil ito ay ipinangako ng Diyos. (2 Peter 3:13) at ang nangako ay totoo! (Titus 1:2, Heb. 6:17-18) Papaano ang dapat nating pamumuhay para makasama tayo sa pangakong ito? 2 Peter 3:14, “kaya nga mga minamahal, yamang kayo’y nagsisipaghintay ng mga bagay na ito, ay pagsikapan ninyong masumpungan kayo sa kapayapaan, na walang dungis at walang kapintasan sa paningin niya.” Tayo ba ay nananabik na makita ang mga bagay na ito? Tayo ba ay handa sa muling pagbabalik n gating Panginoong Hesus?

ANG KARANASAN SA DISYERTO

June 15, 2011

Ex. 15:22-17:7 (16:1-5, 35)

 “At sila’y naglakbay mula sa Elim, at ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay dumating sa ilang ng Sin, na nasa pagitan ng Elim at Sinai, nang ikalabing limang araw ng ikalawang buwan, pagkatapos na sila’y makaalis sa lupain ng Egipto. At inupasala ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel si Moises at si Aaron sa ilang: at sinabi sa kanila ng mga anak ni Israel, namatay n asana kami sa pamamagitan ng kamay ng Panginoon sa lupain ng Egipto, nang kami ay nauupo saq tabi na mga palyok ng karne, nang kami ay kumakain ng tinapay hanggang sa mabusog; sa pagkat kami ay inyong dinala sa ilang na ito, upang patayin ng gutom ang buong kapisanang ito. Nang magkagayo’y sinabi ng Panginoon kay Moises, narito, kayo’y aking pauulanan ng pagkain mula sa langit; at lalabasin at pupulutin ng bayan araw-araw ang bahagi sa bawat araw; upang aking masubok sila, kung sila’y lalakad ng ayon sa aking kautusan, o hindi. Ang mangyayari sa ikaanim na araw, na sila’y maghahanda ng kanilang dala, na ibayo ng kanilang pinupulot sa araw-araw.”  (Ex. 16:1-5)

“At ang mga anak ni Israel ay kumain ng mana na apat na pung taon, hanggang sa sila’y dumating sa lupaing tinatahanan; sila’y kumain ng mana hanggang sa sila’y dumating sa mga hangganan ng lupain ng Canaan.” (Ex. 16:35)

Panimula

Papaano pinunan ng Panginoon ang mga Israelita noong nasa disyerto pa sila? Ito ang kabuuan n gating paksa na tatalakayin sa mga karanasan ng mga tao ng Diyos sa disyerto. Mayroong tatlong yugto na naganap mula ng tawirin nila ang Dagat na Pula.

“Pinatnubayan ni Moises ang Israel mula sa dagat na mapula, at sila’y lumabas sa ilang ng Shur at sila’y lumakad na tatlong araw sa ilang at hindi nakasumpong ng tubig.” (Exodo 15:22)

Ang tatlong yugto na ito o tatlong pangyayari na naganap o mga karanasan ng Israel sa disyerto, mula ng nanggaling sila sa Dagat na Mapula. Parang pelikulang may tatlong Episode o Trilogy na may tatlong Paksa. Una, ang karanasan ng Israel sa disyerto ng Shur.  Nanag makarating sila sa Mara ay hindi sila nakainom ng tubig dahil mapait. Tinawag nilang Mara ang lugar na ito. (Exo 15:23)

Ang pangalawang yugto ay ang karanasan nila sa disyerto ng Elim. Naranasan nila dito ang pagpapaulan ng Panginoon ng Manah mula sa langit. Ang mga Israelita ay nakaranas ng Probisyon ng Diyos sa umaga ay Mannah o tinapay at sa gabi ay karne mula sa mga pugo na ipinadala ng Diyos. (Exo. 16:1-5).

Ang pangatlong yugto ay ang karanasan ng mga Israelita sa Rephidim. Walang tubig na maiinom sa Rephidim kaya nakipagtalo na naman ang mga Israelita kay Moises. Ngunit ang Diyos ay nagpalabas ng tubig sa bato upang mainom ng mga Israelita. (Exo. 17:1-7)

Mula sa Dagat na Mapula ay nag-stop over ang mga israelita sa tatlong lugar. Una sa disyerto ng Shur at mayroon nangyari doon. Pangalawa sa disyerto ng Sin. May nangyari na naman. At pangatlo, sa Rephidim, nagkaroon ng rekalamo at away-away dito, kaya tinawag ang lugar na Massah at Meribah, dahil sa pakikipagtalo ng mga anak ni Israel, at dahil sa kanilang tinukso ang Panginoon, na kanilang sinabi, “ang Panginoon ba’y nasa gitna natin o wala?” (Exo. 17:7)

Ano ang kahalagahan ng karanasang ito? Yaong paglalakbay nila ng apat-na-pung taon (40) sa disyerto. Bakit mahalaga ang mga karanasang ito sa buhay ng mga Israelita? Ano ang pag-asa na makukuha natin sa mga karansan sa disyerto? Ano ang kahulugan ng disyerto sa ating buhay ngayon?

Ang disyerto ay literally may kaunting rainfall o patak ng ulan kung minsan pero madalang. May kunting halumigmig o moisture sa gabi. Malamig sa gabi at mainit sa araw. Wala kang masilungan sa sobrang init, malawak ang lalakbayin kapag inabot sa sa disyerto. Minsan malakas ang hangin at mararanasan mo ang sandstorm at matatabunan ka ng nagliliparang dust mula sa lupa.

Minsan ang disyerto ay isang condition of the heart or condition in our life. Ang kondisyon n gating puso o buhay ay salat sa resources, hindi peaceful ang lugar. Parang wala ka sa iyong comfort zone, nasa lugar ka ng inconvenient zone sa iyong buhay. Maliban na lang kung isa kang cactus na may reserba ng tubig at lakas na pwedeng tumagal sa disyerto. Pero tao lang tayo at may panghihina din na nararamdaman.

Ang disyerto ay maaring ang basic resources natin ay mababa na. Kung baga sa cell phone ay lobat na, kailangan na ng charger. Minsan nararansan natin sa buhay, parang very harsh ang situation natin sa family o sa ating mga kaibigan, o sa ating negosyo o trabaho. Parang sala sa init o sala sa lamig an gating pakiramdam. Maraming irritation at impatient na nagbubunga tuloy n gating pagrereklamo sa Diyos.

Parang ang feeling natin sa sarili ay “dry-na-dry” na tayo, nakakapagod na, parang talunan na tayo. Ito marahil ang kondisyon n gating buhay, parang karanasan sa disyerto. Ito ang buhay na mahirap o buhay na nagkukulang o nangangailangan. At kung tayo ay tagasunod ni Jesusparang mahirap magpatuloy.

“Ang sinabi niya sa lahat kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kanyang sarili, at pasanin sa araw-araw ang kanyang krus at sumunod sa akin.” (Luke 9:23)

Tayo man bilang tagasunod ni Cristo ay nakararanas din ng mga karanasan sa disyerto katulad ng mga Israelita. The same situation, the same condition, the same feeling ang mga nararanasan natin.

Mayroong tatlong dahilan ang Diyos kung bakit mahalagang maranasan natin ang buhay sa disyerto? Ang disyerto ay hindi isang detour na ginawa ng Diyos kungdi ito ay kasama sa mapa. Ito ay kabuuan ng plano ng Diyos sa ating buhay upang tayo ay lumago sa pananampalataya.

Una, sa disyerto ay mahahayag ang ating kahinaan. Makikita mo ang iyong sarili, marami ka palang kahinaan sa buhay. Akala natin dahil sa ang Diyos an gating tagapagligtas pero may mga dapat pa pala akong alisin sa buhay. Marami pa pala akong dapat baguhin. Lumalabas lang ito kung nararansan natin ang disyerto sa ating buhay.

Tingnan natin ang mga Isralita noong sila ay nasa disyerto. Sa Exodo 15:23 dumating sila sa disyerto ng Shur, pero mapait ang tubig doon. Nagreklamo ng mga Israelita kay Moises, ang sabi, “anon gaming maiinom?”

Sa Exodo 16: 3, sabi ng mga Israelita, :namatay n asana kami sa pamamagitan ng kamay ng Panginoon sa lupain ng Egipto nang kami ay nauupo sa tabi ng mga palyok ng karne, nang kami ay kumakain ng tinapay hanggang kami ay mabusog…” The same situation sa Exodo 17:2 ang bayan ay nakipagtalo na naman kay Moises, “bigyan mo kami ng tubig na aming maiinom.” Sabi ni Moises, “bakit kayo nakikipagtalo sa akin? Bakit ninyo tinutukso ang Panginoon?”

Masdan natin ang mga Israelita, sila ay expert sa pagrereklamo. Sa Exodo 17:1-7 mayroon pang away-away. Isang buwan matapos tumawid sa Dagat na Mapula ang mga Israelita ay puspos ng pananampalataya dahil sa kapangyarihan ng Diyos na kanilang naranasan. Tinapos ni Lord ang mga humahabol sa kanila. Ngunit noong nasa disyerto na sila, heto nakalimutan na ang mga ginawa ng Panginoon sa kanilang buhay at lumalabas na ang mga tunay na ugali sa disyerto.

Katulad din sa tin ngayon, kapag nakadaranas ng kakulangan sa resources, problema sa negosyo o sa trabaho, o nakakaranas ng mga trahedya sa buhay minsan mas lalo pa nating pinahahalagahan ang material na bagay kaysa sa Diyos. Noong panahon ng Typhon Ondoy may mga taong kahit lubog na ang bahay ay ayaw iwanan, ang kanilang dahilan ay baka pag iniwan nila ay wala na silang babalikan na gamit. Walang tiwala sa kapwa at mahalaga ang property kaysa sa buhay.

Pangalawa, sa disyerto ay masusubok ang ating panananampalataya. ( Exodo 15:25)

Nang dumaing si Moises sa Panginoon, pinagpakitaan siya ng Panginoon ng isang puno ng kahoy, at inihagis niya sa tubig, at ang tubig ay tumabang. At binigyan sila ng Panginoon ng mga alituntunin o mga tagulbilin at doon sila sinubok. Sa Exodo 16:4 ang Diyos ay nangakong pauulanan sila ng pagkain mula sa langit, upang masubok sila kung lalakad na ayon sa kautusan o hindi.

Mayroong specific instruction kung ano ang gagawin. The test is the proper stewardship of God. Papaano nila ito ginawa? Siyempre,mayroong pumasa at mayroon din namang hindi pumasa. Ano ang probisyon ng Diyos sa iyo na nang mahawakan mo na ay naiba na ang ihip ng hangin? Ang mga probisyon ng Diyos sa ating buhay ay ibinibigay upang masubok ang inyong pananampalataya. Kung ayos an gating puso o hindi. Kapag nakahawak ka ng malaking halaga ano ang dapat mong unahin? Ipinapakita dito sa mga karanasan ng Israelita na dapat kilalanin nila ang Diyos na siyang pinagmumulan ng pagpapala. Kaya lang ng makamtan ang mga pagpapala gusto kamkamin ng sobra-sobra, kaya mga napanis. Sa Exodo 16:16-20 mababasa natin:

“Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon, mamulot ang bawat tao ayon sa kanyang kain; isang omer sa bawat ulo,ayon sa bilang ng inyong mga tao, ang kukunin ng bawat tao para sa mga nasa kanyang tolda. At gayon ginawa ng mga anak ni Israel, at may namulot ng marami, at may kaunti. At nang timbangin sa omer, ang namulot ng marami ay walang higit, at ang namulot ng kunti ay hindi nagkulang, bawat tao ay pumulot ng ayon sa kanyang kain. At sinabi ni Moises, huwag magtira niyaon ang sinoman ng hanggang sa umaga. Gayonma’y hindi sila nakinig kay Moises, kungdi ang iba sa kanila ay nagtira niyaon hanggang sa umaga, at inuod at bumaho at naginit sa kanila si Moises.”

The issue is not the source of provision but their attitude how they react on it.  They are trying to gather foods more than the standard of God. Masyadong suwapang ang ibang Israelita basta pagkain ang pinag-usapan mas duhapang ang iba. Kaya yaong sobra ang kinuha at kunti noong timbangin pareho lang.

May dalawang tendency dito o maaaring mangyari. Araw-araw ang bilin ni Moises ay sapat lang ang puluting pagkain pero yong iba sumubra kaya napanis kinaumagahan. Pangalawa sa ikaanim na araw dapat dagdagan ang pag-ipon ng pagkain dahil kinaumagahan wala silang mapupulot, at dapat alalahanin nila ang araw ng Sabbath para sambahin nila ang Panginoon. Pero may mga taong nagbakasakali na mamulot pero wala silang napulot.

Minamahal kong kapatiran kay Cristo, ang probisyon ni Lord ay hindi lamang pera o pagkain. Maari din itong talento na dapat nating magamit, huwag nating hayaang mapanis. Maari ito na probisyon ng Diyos sa pamilya, dapat nating pasayahin an gating pamilya.

Ang katotohanan dito, dapat tayong dumepende sa Diyos araw-araw. May awitin ang Cristiano na hango sa talata ng Lamentation 3:23 “Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi nagmamaliw, ito’y laging sariwa sa bawat umaga, tapat Siya’t dakila.”

Sa bawa’t probisyon ng Diyos sa ating buhay, papaano natin ito tinatanggap sa ating buhay? Araw-araw mayroon probisyon ang Diyos. Gaano mo ito pinahahalagahan?

Pangatlo, sa disyerto mahahayag ang Diyos.(Exo. 15:26) If we go through hardship God will reveal himself through our wilderness. Ang Diyos mahahayag sa mga karanasan sa disyerto ng buhay.

“At sinabi ni Moises, ito’y mangyayari, pagbibigay ng Panginoon sa inyo sa kinahapunan ng karne na makakain, at sa kinaumagahan ng pagkain, na makakabusog, sapagkat narinig ng Panginoon ang inyong mga pagupasala na inyong iniuupasala laban sa kanya: at ano kami? Ang inyong mga paguupasala ay hindi laban sa amin, kundi laban sa Panginoon.” (Exo. 16:8)

Ang Diyos ay nahahayag sa disyerto kasama ng mga Israelita, ngunit lagi nilang nakalilimutan dahil nakatingin sila sa ibang mga bagay, nakatingin sila sa problema, at hindi doon sa pinanggagalingan ng solusyon.

Sa disyerto, naranasan nila ang probisyon ng Diyos, at ang pagliligtas ng Diyos. Hindi sila iniiwan ng Panginoon, araw-araw sa kanilang paglalakbay kasama nila ang Diyos. For 40 years sinupurtahan sila ng Diyos ng pagkain, karne, ulap sa araw at ilaw sa gabi.

Kapatid, yong mga panahon na para tayong nasa disyerto, try to remember the goodness of God in your life. He will reveal to you as your healer, your deliverer, your provider. Araw-araw ang pag-ibig ng Diyos ay laging sariwa, ang kanyang katapatan ay from generation throughout generation.

The dessert is not the detour but a part of the whole map. It is a part of the plan of God for our life to grow in faith. Hindi tayo lalago sa pananampalataya kung hindi tayo dadaan sa disyerto. Sinasanay tayo ng Diyos kung paano tayo tumanggap ng pagpapala at kung ano an gating reaksiyon sa mga blessings na natatanggap natin mula sa Diyos.

Ano ang katotohanan o lesson na makukuha natin sa mga karanasan sa disyerto?

Una, dapat nating paniwalaan ang katiyakan ng katapatan ng Diyos sa kanyang mga probisyon. Ang basehan ng pagpapala ng Diyos ay hindi dahil masunurin ang mga Israelita, kungdi ang basehan ng pagpapala ng Diyos ay dahil sa kanyang katapatan.

Hindi marunong magpasalamat ang mga Israelita, for 40 years na probisyon ng Diyos at pagliligtas puro reklamo pa ang nangyayari. Sa Deut. 9:6

“Talastasin mo nga na hindi ibibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos ang mabuting lupaing ito upang ariin ng dahil sa iyong katuwiran, sapagkat ikaw ay isang baying matigas ang ulo.”

Ang probisyon ni Lord ay hindi lang sa financial, it could be something such as: Talent, para magamit ng Diyos sa kanyang gawain o para maging source of income baka sumikat ka at yumaman para makatulong ka sa misyon ng Church. Bilang employee God provides promotion. Para sa mag-asawa, para lalo pang sumarap ang pagsasama at umunlad ang pamilya. Para sa mga mag-aaral, talino para maging scholar o matuklasan ang karunungan. Para pagpalain ng Diyos an gating mga magulang upang masuportahan tayo sa pag-aaral. God exactly will give you what you need.

Ngunit sa bawat probisyon ng Diyos ito ay nakabatay sa kanyang katapatan at hindi sa ating katuwiran. Sabi nga sa awitin, “…not because of what I’ve done, but because of what you’ve done, not because of who I am, but because of who you are.”

Pangalawa, dapat nating paniwalaan ang katiyakan ng pagpapala ng Diyos dahil kasama natin siya sa disyerto n gating buhay. Sabi sa Exo. 17:6 “narito, ako’y tatayo sa harap mo roon sa ibabaw ng bato sa Horeb; at iyong papaluin ang bato at lalabasan ng tubig, upang ang bayan ay makainom…”

May isang inspirational na awitin ang pamagat ay “From A Distance”. Ang sabi sa awiting ito, “God is watching us, from a distance.” Pero sa talatang ating nabasa si Lord ay nakatayo sa ibabaw ng bato sa harapan nila.” He is not from a distance but he is with us today, standing in front of us.

Kapatid, hindi ka nag-iisa kasama mo ang Diyos. Kung nakararanas ka man ng disyerto sa iyong pananampalataya, kasama mo ang Diyos. Sa Deut. 8:2-3 ay sinabi;

“At iyong alalahanin ang buong paraan na ipinatnubay sa iyo ng Panginoon mong Diyos nitong apat na pung taon sa ilang, upang kanyang mapangumbaba ka, at subukin ka, na maalaman kung ano ang nasa iyong puso, kung iyong gaganapin ang kanyang mg autos o hindi. At ikaw ay pinapangumbaba niya at pinapagdamdam ka niya ng gutom at pinakain ka niya ng mana, na hindi mo nakilala ng iyong mga magulang, upang kaniyang maipakilala sa iyo na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kungdi sa bawat bagay na nagmumula sa bibig ng Diyos.”

May kaparehong talata ito sa bagong tipan sa Mateo 4:1-4;

“Nang magkagayo’y inihatid ng Espiritu Santo si Jesus sa ilang upang siya’y tuksuhin ng Diablo. At nang siya’y makapagayunong apat na pung araw at apat na pung gabi, sa wakas aynagutom siya. At ang manunukso ay dmating at nagsabi sa kaniya, kung ikaw ang Anak ng Diyos, ay ipagutos mo na ang mga batong ito ay maging mga tinapay. Datapwat siya’y sumagot at sinabi, nasusulat, hindi sa tinapay lamang nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos.”

Si Jesus ay dinala ng Espiritu Santu sa ilang, sa disyerto at dumanas din ng panunukso ng diablo. Jesus feels what it means to be in the dessert. Kapag ang isang tao ay nasa disyerto, tiyak na maghahanap siya ng tubig. Kung walang Makita maaari siyang mag hallucination, ang buhangin parang sa tingin niya ay tubig, nilalangoy niya ito dahil sa uhaw. Ganyan din ang mga taong nakararanas ng disyerto, kapag hindi nasumpnguan ang hinahanap niya nagkakaroon siya ng alternatives sa buhay.

Pangatlo, si Jesus ang Tinapay na nanggaling sa langit. (Juan 6:48-51)

Ano ang nararanasan nating journey sa disyerto? Nakararanas ba tayo ng kapaitan sa buhay, o mga pag-aaway dahil sa situation. Ang Marah, Massah at Meribah ay mga yugto sa ating pananampalataya na ating dinaraanan.  Are you seeking oasis in the midst of the dessert? God is faithful in your immediate needs. The truth is God already gave to us the ultimate provision in Christ. Jesus is the bread of life, we must accept him. Kapag tinanggap natin si Jesus sa ating buhay lahat matutugunan niya ang ating mga pangangailangan.

 

PANANAW NG KABATAAN

January 3, 2009

SINO KA?

Isang bata ang nakaupo, sa malayo…nakatunghay na tila may sinisipat na wala naman talaga. Patuloy na naglalaro ang isipan habang sa pawi pa roon nakamasid. Isang tanung ang sa kanya ay nabuo “sino kaya ako sa hinaharap?”

Sa kanyang pagbubulay-bulay nabuo ang mga pangarap. Sa malikot niyang isip ay nais kumawala ang kanyang damdamin. Sabi niya sa sarili, “nais kong maging ganito, nais kong maging ganyan, ngunit paano ito maisakakatuparan? Sa panahon ngayon puro kaguluhan at karahasan para lang sa kapangyarihan. Gobyerno na may sinisino, presyo ng bilihin na hindi na maabot ng maralita, kabataang nagkalat sa lansangan, lango sa alak at bisyo ng ipinagbabawal na gamut, mga rugby boys, bakal boys, mga babaeng mababa ang lipad naglipana sa gabi at halos mga kabataan. Pulitikang puro pangako, mga naggagandahang opisina ng pamahalaan na nasa likod nito ay mga barong-barong na nakadikit sa creek, mga squatters sa ilalim ng tulay, riles ng train at bingit na bangin sa gilid ng magagarang subdibisyon at liwasang bayan.”

Pansamantalang nagbuntunghinga ang nagpatuloy sa pagbubulay-bulay, “ayoko maging isa man sa mga ito!… Marami akong kapatid, si inay ay isang labandera, si itay ay karpentero. Nagagawang niyang pagandahin ang bahay ng mayaman ngunit kami walang bahay. Kapos sila sa kaalaman at maging sa pinansiyal. Dati akong nag-aaral ngunit kapos sa pera, pamasahe at pagkain nga lang sa school wala ako, nagmumukha akong kawawa. Nakakainggit sila na may pera ngunit hindi naman nag-aaral kundi naglalakwatsa.”

“Huminto ako sa pag-aaral upang sila ay matulungan. Marami ang katulad ko dito sa aming lugar, nabarkada, natutong mag-inom at magbisyo, dahil nga ba sa kahirapan, kamangmangan o sadyang kapabayaan ng magulang?” Tanung na nananatiling tanung sapagkat muli pa sumibol ang bagong tanung, “sino nga ako sa hinaharap?”

Talagang kasagutan ay kayhirap matanggp. “Paano ko maiaalis ang aking pamilya sa barong-barong na nakabitin sa ilalim ng tulay? May kaibigan akong nag-aaral sa ALS (alternative Learning System) ng Deped, ano nga kaya ito? Libre daw at para sa out-of-school youths na katulad ko. Palarin din kaya ako? Mmmmmmmm… may ganito naman palang proyekto ang pamahalaan bakit marami pa rin ang kabataang tulad ko? Hindi kaya kulang lang talaga ng pagsusumikap at layunin sa hinaharap…..” (Maiksing katahimikan)…

“Alam ko na, nais kong maging isang manunulat para madaming kabataan ang mamulat! Ikaw, kabataan, sinu Ka? Gumising ka at mag-isip, may pag-asa pa tayo.” Maya-maya ay may tumawag sa kaniya, “Hoy Totoy kanina ka pa ba dyan sa tulay? Hinahanap ka na ng nanay mo!”

Hanggang may naghahanap at may nakasusumpong sa atin, dapat masumpungan mo rin ang iyong sarili. May maganda kang hinaharap kaibigan. Magsikap ka at mag-aral dahil isa ka sa magbabangon sa ating bayan na lugmok na sa kahirapan. Sino ka man, kabataan, ikaw ang pag-asa ng ating bayan.

Binago Ng Katotohanan

January 20, 2008

Minsan may isang kabataan

Na sinubok ang kanyang sariling buhay,

Halos nasa kanya na ang lahat ng bagay

Na maaari niyang gamitin sa kanyang kinabukasan

Pag-aaral, trabaho, mga pagkakataon

Nasayang lang lahat ng panahon

Nag-aruga sa kanya ay hinamak

Pati mga tumuturing sa kanya bilang isang anak.

 

Ngunit lahat ng ito’y binalewala

Na akala niya ay kaya niyang kumawala

Tumayo sa sariling mga paa lamang

Walang nagawa maging ang kanyang mga magulang,

Mga kapatid at mga kamag-anak

Sumama sa barkada at sinisintang di-hamak

Natutong uminom, magbisyo, nalulong sa droga

At siya ay namuhay na parang daga

 

Habang lumilipas ang panahon

Siya ay patuloy na lumalakad sa alon

Tinutulak ng hangin ang kanyang damdamin

Bigo sa pag-ibig, pag-iisip pilit nilalasing

Ang kabataang ito sa kulungan nagising

Nag-iisa sa dilim, mata’y gumigiling

Iniwan na siya ng barkadang kanyang tinuturing

Mga alaala ng kahapon dinala sa dalangin

 

May pusikit na liwanag siyang natanaw

Nagbigay ng pag-asa ang maliit na tanglaw

Bumukas ang pinto dahil sa dalaw

Kaibigang nagmamahal damdamin nya’y umapaw

Sa mabuting balita na kanyang narinig

Mahal ka ng Diyos aking kapatid

Maging sino ka man , luha ko’y nangilid

Ang katotohang ito buhay ko’y niyanig.