Ang Madilim Na Bahagi Ng Pasko

“Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, na si Cristo Jesus ay naparito sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito.” (1 Tim. 1:15)

May awiting “I’m Dreaming of a White Christmas”. Ito marahil ang inaasam-asam ng maraming tao sa ngayon, kapag nalalapit na ang kapaskuhan. Ngunit mayroon ding awiting, “I Have a Blue Christmas Without You” at mukhang malungkot ang nilalaman ng awiting ito na mayroong kulang sa kanyang pasko.

Maraming tao sa ngayon ang nasa isip lang ay kagandahan ng pasko, mga palamuti sa pasko, pagkain, parol, Christmas lights, Christmas tree, etc., at kapag kulang ang mga ito ay parang malungkot ang pasko, at ito ang nagpapatunay ng kasalatan sa buhay. Ang pasko ngayon ay nakabatay sa financial na pagpapala, kapag wala kang pera malungkot ang pasko.

Nais kong baligtarin ang mga pangyayari. Nais kong dalhin ang madilim na bahagi ng kapaskuhan upang matimbang natin ng maayos kung ano ang kahulugan ng pasko sa ating buhay. Ang madilim na bahagi ng pasko ay tumutukoy sa mga unang pangyayari ng pasko. Pinadilim pa ng kasamaan ni Haring Herodes, ninasa niyang matuklasan kung saan ipinanganak ang Hari ng mga Judyo, ngunit iba ang kanyang iniisip, upang patayin ang bata.

Isinilang si Jesus sa isang mabahong sabsaban, walang magpatuloy sa kanya. Ang mga tao sa Bethelem ay abala sa iba’t-ibang pagkakakitaan dahil maraming balik-bayan. Ang mga bahay-tuluyan ay walang lugar para sa mag-asawang Jose at Maria. Kaya sa sabsaban sila napunta. Dito nagsimula mga pangyayari sa madilim at malamig na gabi, sa isang maruming lugar sa sabsaban ay isinilang ang isang lalake, ang Pangalan niya ay Jesus, ang Tagapagligtas ng kanyang bayan.

Bakit ipinahintulot ng Diyos na isilang si Jesus sa isang marumi at mabahong lugar? Ano ang kahulugan nito sa ating buhay? Bakit ngayon parang napakalayo na ng tunay na kahulugan at layunin ng kapanganakan ni Jesus?

“At siya’y manganganak ng isang lalake, at ang pangalang itatawag mo sa kanya’y Jesus; sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.” (Mat. 1:21)

“At nalalaman ninyo na siya’y nahayag upang magalis ng mga kasalanan, at sa kaniya;y walang kasalanan.” (1 John 3:5)

“At nakita natin at sinaksihan na sinugo ng Ama ang Anak upang maging tagapagligtas ng sanglibutan.” (1 John 4:14)

Ang layunin ng pagparito ni Jesus ay upang tayo ay maligtas sa kasalanan.

I. ANG MADILIM NA BAHAGI NG PASKO AY KASALANAN.

Ang puso ng pasko ay si Cristo, na siya ay naparito sa sanlibutan upang iligtas ang tao sa kasalanan. Ang tunay na kagandahan ng pasko ay ang malaman ang madilim na bahagi nito upang maunawaan natin ang mga kagamutan sa lahat n gating kalagayan, bilang makasalanan. Upang gumaling tao sa lahat n gating mga karamdaman na dulot ng kasalanan.

Dahil sa kasalanan, mayroong takot at pangamba, hapdi at kalungkutan, mga paglalaban at giyera sa mundo, kawalan ng kapahingahan, pagkakabaha-bahagi, pag-aalitan, kabalisahan at sakit, mga karamdaman, kamatayan at tag-gutom, mga iba’t ibang kalamidad at unti-unting pagkasira ng kalikasan.

“Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan…” (Rom. 6:23)

Ang kasalanan ay sinyang madilim na bahagi ng pasko. Si Cristo ay naparito upang ialay ang buhay upang tayo ay makalaya sa pagkabilanggo sa kasalanan at sa Diablo.

ANO ANG KASALANAN?

Una, Ang kasalanan ay pagdurog sa puso ng Diyos. Kapag tayo ay nagkakasala dinudurog natin ang puso ng Diyos. Araw-araw ang tao ay patuloy na nagkakasala, ibig sabihin patuloy nating dinudurog ang puso ng Diyos.

Pangalawa, sinasaktan natin ang tapat na nagmamahal sa atin. Ang Diyos lamang ang tapat at wagas kung umibig. Mahal niya ang mga makasalanan. Habang tayo ay patuloy na nagkakasala ay sinasaktan natin ang Diyos na nagmamahal sa atin. Ang pinakamapait na hapdi na nararanasan ng isang tao ay kung nagkasala ang kanyang minamahal, at siya ang aako ng kasalanang hindi naman niya ginawa. Si Jesus ay nagsakripisyo, naghirap, nagdanas ng lahat ng sakit at panunuya ng mga taong makasalanan. Siya ang umako ng lahat n gating mga kasalanan, at inialay ang kanyang buhay upang kung maunawaan natin ang dakilang pag-ibig ng Diyos, ang kanyang kahabagan ay magdulot ito ng tunay na pagsisisi at pagbabalik-loob sa Diyos.

Pangatlo, ang kasalanan at pagsuway sa kautusan ng Diyos. “Ang sinomang gumagawa  ng kasalanan ay sumasalangsang din naman sa kautusan at ang kasalanan ay ang pagsalangsang sa kautusan.” (1 John 3:4)

ANO ANG KATULAD NG KASALANAN? O ANG KALIKASAN NITO?

Una, ang kasalanan ay pagkabulok (Defiling). Ang kasalanan ay katulad ng kalawang na sumisira sa bakal. Unti-unti ka nitong lalamunin, hanggang sa ikaw ay mapuspos ng kasamaan o karumihan (a defiling rust). Ito ay katulad ng polusyon sa ating kapaligiran. Ito ay katulad ng mantas o scars sa ating mukha, mantas sa damit na marumi. Ginagawa nitong mapula o maitim an gating mga kaluluwa, at wal tayong ibang ninanasa kungdi an gating pansariling kaligayahan at mamuhay na malayo sa Diyos.

Ito ay katulad ng isang maruming damit o kasuutan, katulad ni Josue sa Zech. 3:3, “Si Josue nga ay nabibihisan ng maruming kasuutan at nakatayo sa harap ng anghel.” Ang kasuutan ni Josue ay katulad ng kasalanan na nakasuot sa tao.

Ang kasalanan din ay itinulad sa kamandag ng ahas, na sa sandaling ikaw ay matuklaw, ang kamandag na ito ay unti-unting dadaloy sa ating ugat at tayo ay mamamatay. (Rom. 5:12)

Sinabi ni Apostol Pablo sa 2 Cor. 7:1, “Yamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na pakasakdalin ang kabanalan sa tako sa Diyos.”

Ang kasalanan din ay tinawag na suka (vomit) na lumalabas sa bibig ng tao. Ito ay mabaho, at pinandidirihan. Ang kasalanan din ay katulad ng libingan, na sa loob ay may nabubulok na bangkay.

Sa isang salita, ang kasalanan ay kabulukan. (Defiling, corruption, depravity)

Pangalawa, ang kasalanan ay Pagtuligsa sa Diyos. (Defiant).

Sa Lev. 26:27, “At kung lahat ng ito ay hindi ninyo ako pakikinggan, kungdi kayo’y sasalangsang sa akin; ay sasalangsang ako sa inyo na may kapusukan; at parurusahan ko kayo’y makapito pa dahil sa inyong mga kasalanan.”

Ang kasalanan ay sampal sa Diyos. Ito ay pagtuligsa sa mga kalooban ng Diyos sa ating buhay. Habang tinutuligsa natin ang Diyos sa pamamagitan n gating mga pamumuhay at makaaasa tayo ng hagupit ng Diyos sa ating buhay. Inilalarawan ng Diyos ditto na kapag tayo ay patuloy na nagkakasala tayo ay rebelled sa Diyos. Ang isang rebelled sa pamahalaan ay wala ng nakitang tama sa gobyerno, lahat mali, ganun din sa Diyos, kapag tayo ay rebelled, tayo ay opposition sa mga plano ng Diyos sa ating buhay.

Sa salitang Hebrew, ang kasalanan ay “Pasha”. Ito ay nangangahulugan ng rebellion. Sa Jer. 44:15- 17, “ Nang magkagayo’y lahat ng lalake na nakaalam pa na ang kanilang mga asawa ay nangagsunog ng kamangyan sa ibang mga diyos, at ang lahat na mga babae na nangakatayo, isang malaking kapulungan, sa makatuwid baga’y ang buong bayan na tumahan sa lupain ng Egipto, sa Pathros, at sumagot kay Jeremias na nagsasabi, tungkol sa salita na iyong sinalita sa amin sa pangalan ng Panginoon, hindi ka naming didinggin. Kundi aming tunay na isasagawa ang bawat salita na lumabas sa aming bibig, upang ipagsunog ng kamangyan ang reina ng langit, at ipagbuhos siya ng inuming handog, gaya n gaming ginawa, naming, at n gaming mga magulang, n gaming mga hari, at n gaming mga prinsipe sa mga bayan ng Judah, at sa mga lansangan ng Jerusalem, sapagkat noon ay nagkaroon kami ng saganang pagkain at kami ay nagsisibuti, at hindi nakakita ng kasamaan.”

Sinabi ni Jeremiah, “Oh lahi, tingnan ninyo ang salita ng Panginoon. Naging ilang baga ako sa Israel? O lupain ng salimuot na kadiliman? Bakit nga sinasabi ng aking bayan; hindi na kami paroroon pa sa iyo?” (Jer. 2:37

Pangatlo, ang kasalanan ay kawalan ng utang na loob. (Ingratitude) Ito ay pagtalikod sa Diyos, para bang walang nagawa ang Diyos sa ating buhay.

“Sapagka’t sa Kanya tayo’y nangabubuhay, at nagsisikilos, at mayroon tayong pagkatao, na gaya naman ng sinabi ng ilan sa inyong sariling mga manunula.” (Acts 17:28)

“Upang kayo’y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagkat pinasisikat niya ang kanyang araw sa masasama at sa mabubuti; at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap.” (Mat. 5:45)

Pang-apat, ang kasalanan ay kinasusuklaman ng Diyos. Mahal niya ang makasalanan,ngunit galit siya sa kasalanan.

“Sapagkat ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.” (Rom. 3:23) “ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan…” (Rom. 6:23)

ANO ANG KAHAHANTUNGAN NG MAKASALANAN?

Ang nagkakasala ay katulad ng Diablo. (John 8:44) Ang Diablo ang nagkasala at ito ay ipinasa sa tao, nang mahulog ang tao sa kasalanan dahil sa panlilinlang ng Diablo. Lahat ng tao ay nagkasala dahil sa kasalanan ng isang tao. (Rom. 5:12)

Ang resulta ng kasalanan ay kamatayan. (Eph. 2:1-3) At ang kahahantungan nito ay sa poy ng impiyerno. (Re. 20:14-15, 21:8)

PANGWAKAS NA SALITA:

BAKIT NANGYARI ANG LAHAT NG ITO? Dahil ito ang tunay na mensahe ng kapaskuhan. Ang maunawaan natin ang madilim na bahagi ng pasko hanggang sa makalaya tayo ditto at Makita natin ang liwanag ng kagandahan ng pasko. Ang liwanag ng Ebanghelyo ni Cristo.

Sinabi ni Apostol Pablo, “siya ang pinakamasama sa lahat ng makasalanan, ngunit dahil sa habag ng Diyos, sa biyaya ng Diyos ay naligtas siya sa pamamagitan ni Cristo.” (1 Tim. 1:15) Si Jesus ang regalo ng Diyos. Ang isang regalo ay tinatanggap mula sa nagkaloob nito. Ang regalo ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus. (John 3:16, 1 John 5:10-13) Tinanggap nab a natin si Jesus? O isa tayo doon sa ayaw siyang papasukin dahil wala ng lugar sa ating buhay? Ang sabsaban ay ang puso ng tao, madilim, marumi, mabaho, maraming hayop. Ngunit ng si Jesus ay isinilang sa sabsaban, nagkaroon ng bagong awit, liwanag, at pag-asa. Papasukin natin si Jesus sa ating puso at mararanasan natin ang kagandahan ng pasko.

Tags:

Leave a comment